![]()
Target ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na mapahusay pa ang mahahalagang serbisyo at kakulangan sa imprastraktura, mapalawak ang access sa edukasyon at mga programang proteksyong panlipunan sa bansa.
Sa pulong ng Economy and Development Council, tinalakay ng mga opisyal ang mga prayoridad na proyekto at mga polisiya upang matugunan ang mga pagbabago sa buong bansa.
Kabilang sa mga proyektong tinalakay ang rehabilitasyon ng Agus-Pulangi Hydropower Facilities sa Mindanao upang mapaganda ang katatagan ng suplay ng elektrisidad sa rehiyon at mapalakas ang seguridad sa enerhiya.
Tinalakay din sa pulong ang pagkumpleto sa natitirang pumping stations sa ilalim ng Metro Manila Flood Management Project upang mapahusay ang kapasidad ng drainage at mabawasan ang mga pagbaha sa mga mahihinang komunidad.
Pinag-usapan din ang mungkahing adjustments sa Samal Island-Davao City Connector Project na layuning mapaganda ang connectivity at maiayos ang galaw ng mga tao, mga kargamento at serbisyo sa pagitan ng Samal Island at Davao City.
