![]()
Inilarawan ng dating head ng Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) ang alegasyon ng self-proclaimed “bagman” ni Vice President Sara Duterte na si Ramil Madriaga, na “glaring with inconsistencies.”
Ayon kay dating VPSPG chief Colonel Raymund Dante Lachica, nagbigay si Madriaga ng tatlong bersyon ng kanyang alegasyon.
Kinabibilangan ito ng original affidavit, supplemental affidavit, at kanyang pinakahuling testimonya.
Sinabi ni Lachica na ang magkakataliwas na pahayag sa iba’t ibang sinumpaang deklarasyon ni Madriaga ay nagpapahina sa kredibilidad ng kanyang testimonya.
Idinagdag ng ex-VPSPG chief na hindi na ito tungkol sa alegasyon kundi sa nagdudumilat na inconsistencies.
Binigyang-diin ni Lachica na hindi pruweba ang testimonya lamang, at ang mga paratang ay dapat suportado ng verifiable evidence, documentary records, at independent corroboration.
