dzme1530.ph

MABAGAL NA KONSTRUKSYON NG MGA CLASSROOM, IIMBESTIGAHAN NI SEN. BAM AQUINO

Loading

Sa muling pagkakahalal bilang chairperson ng Senate Committee on Basic Education, inilatag ni Senador Bam Aquino ang mga pangunahing reporma na isusulong para malunasan ang krisis sa edukasyon sa bansa.
 
Isa sa prayoridad ng senador ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa mabagal na pagpapatupad sa ₱67 billion na pondo para sa pagpapatayo ng 25,000 na classrooms.
 
Ito ay makaraang makatanggap ng impormasyon na hindi pa rin nagsisimula ang pagtatayo ng silid-aralan kahit papalapit na ang tag-ulan.
 
Nangako rin si Aquino na isusulong ang pagpapasa ng National Feeding Program na magtitiyak ng libre at masustansyang pagkain para sa lahat ng mga mag-aaral mula kindergarten hanggang Grade 3.
 
Kasama rin sa prayoridad ng senador ang approval ng proposed School Safety Act upang labanan ang bullying at ang school-to-employment program upang makatulong na matiyak na magkakaroon ng trabaho ang K-to-12 graduates.

About The Author