dzme1530.ph

DEATH TOLL SA 7.8 MAGNITUDE NA LINDOL SA MINDANAO, UMAKYAT NA SA 45

Loading

Umakyat na sa 45 ang nasawi sa magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
 
Ayon kay Office of Civil Defense Assistant Secretary Raffy Alejandro, naitala rin sa 630 ang nasugatan habang 17 pa ang nawawala.
 
Sinabi ni Alejandro na ang walong nadagdag sa death toll ay mula sa Jose Abad Santos at Malita sa Davao Occidental na mga nabiktima ng landslides at natabunan ng fallen debris.
 
Nagpapatuloy pa rin ang search, rescue and retrieval operations ng mga awtoridad sa mga lugar na naapektuhan ng lindol.

About The Author