dzme1530.ph

LIMA PATAY, MAHIGIT 20 SUGATAN SA DALAWANG LINDOL SA PERU

Loading

Hindi bababa sa lima ang nasawi habang 21 ang nasugatan sa dalawang lindol na yumanig sa Peru, ayon sa Civil Defense chief ng naturang bansa.
 
Batay sa preliminary reports, 48 kabahayan ang nasira habang 18 ang tuluyang nawasak.
 
Aabot sa 300 indibidwal ang naapektuhan ng dalawang lindol at kasalukuyang nananatili sa mga tent.
 
Ayon sa National Seismology Center ng Peru, Sabado ng gabi nang tumama ang mga lindol na may lakas na magnitude 5.1 at 3.7 sa Chupaca Province, Junín Region.

About The Author