dzme1530.ph

DALAWANG PAARALAN SA PATEROS, BINULABOG NG BOMB THREAT

Loading

Binulabog ng bomb threat ang dalawang public school sa Pateros, dahilan ng suspensyon ng face-to-face classes ngayong Lunes.
 
Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Pateros na suspendido ang in-person classes sa Pateros National High School at Pateros Elementary School.
 
Hinimok naman ang publiko na manatiling kalmado, sundin ang mga inilabas na advisories ng mga awtoridad, at iwasan ang pagpapakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon.
 
Ipinatutupad naman ang online classes o ang Alternative Delivery Mode of Learning, alinsunod sa direktiba ng Department of Education – Schools Division Office of Taguig and Pateros, upang matiyak na magpapatuloy ang pag-aaral.

About The Author