dzme1530.ph

Batang babae, patay matapos tangayin ng baha sa Lanao Del Norte

  1. Patay ang isang walong taong gulang na batang babae habang libu-libong residente ang apektado ng matinding pag-ulan at pagbaha sa Lanao Del Norte dahil sa walang tigil na pag-ulan dulot ng Low-Pressure Area (LPA).

Ayon sa Lanao Del Norte Provincial Information Office, nasawi ang bata sa bayan ng baroy matapos tangayin ng baha ang motorsiklong kanyang sinasakyan kasama ang kanyang tiyuhin at tiyahin.

Nalubog naman sa baha ang siyam na bayan sa lalawigan at mahigit limanlibo at pitong daang katao o isanlibo at dalawandaang pamilya ang apektado.

Mahigit isanglibo at walong daan sa mga ito ang lumikas sa evacuation centers.

Samantala, inilikas na rin ang mga residente sa tatlong Barangaysa Soroquieta City, Misamis Oriental, dahil sa walang tigil na pag-ulan.

About The Author