dzme1530.ph

Barangay Ginebra, nakabawi sa PBA Game 3 kontra Bay Area Dragons

Binura ng Barangay Ginebra ang labing-apat na puntos na kalamangan ng guest team Bay Area Dragons para makuha ang Game 3 ng Best-of-7 Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup Finals.

Sa bakbakan kagabi sa Mall Of Asia Arena (MOA), nangibabaw ang Bay Area sa buong laro, ngunit sa huli ay nakabangon ang Ginebra at sila ang nanaig sa Final Score na 89-82.

Nanguna para sa Ginebra si Justin Brownlee na kumamada ng game-high at double-double 34 points, 17 rebounds, at 3 steals.

Nag ambag din ng 15 points si Christian Standhardinger, at double-double 14 points, 10 rebounds, at 4 steals kay Scottie Thompson.

Kinapos para sa Bay Area ang 23 points at 24 rebounds ni Andrew Nicholson na bigong matapos ang laro makaraang mapilayan sa kaliwang binti.

Lamang na sa 21 sa serye ang Ginebra at muli silang magtatapat ng Bay Area sa Game 4 sa darating na Biyernes.

About The Author