dzme1530.ph

Labi ni Salilig, naiuwi na sa Zamboanga City

Nasa kanyang hometown na sa Zamboanga City ang labi ng Adamson University student na si John Matthew Salilig na umano’y namatay bunsod ng hazing.

Dumagsa sa burol ng 3rd year Chemical Engineering student ang mga kamag-anak, pati mga kakilala upang ipakita ang kanilang simpatya at pakikiramay.

Itinakda ang libing ni John Matthew, bukas, araw ng Sabado.

Ayon kay Jeoffrey Salilig, sasamantalahin nila ang mga natitirang araw upang makasama ang kanyang anak.

Tiniyak din nito na ipagpapatuloy ng kanilang pamilya ang paghahanap ng hustisya, na itinuturing nila na laban para sa lahat ng hazing victims.

Noong Martes ay natagpuan ang bangkay ni John Matthew sa mababaw na hukay sa isang bakanteng lote sa Imus, Cavite, mahigit isang linggo makaraang huli itong makitang buhay.

About The Author