dzme1530.ph

6 na umano’y sangkot sa pagpaslang sa AdU student , kinasuhan ng paglabag sa Anti-Hazing Law

Sinampahan ng Biñan City Police ng reklamong paglabag sa Anti-Hazing Law ang anim na indibidwal na iniuugnay sa pagkamatay ng Adamson University Student na si John Matthew Salilig.

Ayon kay PLT. Col. Virgilio Jopia, Acting Chief of Police ng Biñan City, Laguna, isa sa complainant ang kapatid ni Salilig na si John Michael habang ang isa pa ay si Roi dela Cruz, ang neophyte na tumukoy sa mga suspek.

Aniya, habang hinihintay ang Counter Affidavit ng mga suspek ay nakasailalim ang mga ito sa kanilang kustodiya.

Sinabi ni Jopia na mayroong hanggang March 10 ang mga suspek para makapagsumite ng kanilang kontra salaysay.

Samantala, inihayag naman ni PCol. Randy Silvio, Chief ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region na sinampahan ng Obstruction of Justice ang ama ng isa sa Persons of Interest sa kaso.

Sampung persons of interest pa ang nananatiling at large, ayon sa Philippine National Police (PNP).

About The Author