dzme1530.ph

Kasong kriminal, isinampa laban kay dating US President Donald Trump

Isinakdal ng Grand Jury sa Manhattan si dating US President Donald Trump kaugnay sa pailalim na pagbabayad ng pera para mapatahimik ang isang porn star.

Napagpasyahan ng Jury ng kasuhan si Trump matapos ang isang taong imbestigasyon hinggil sa umano’y pagbabayad niya ng $130,000 hush money sa ugnayan nila ng porn star na si Stormy Daniels sa kalagitnaan ng 2016 presidential elections campaign.

Ayon kay Manhattan District Atty. Alvin Bragg, makikipag-ugnayan ang kanyang opisina sa legal counsel ni Trump para talakayin ang kanyang pagsuko at humarap sa arraignment.

Ito ang unang pagkakaton sa kasaysayan ng America na mahaharap sa kasong kriminal ang Pangulo ng US.

Matatandaang naglabas ng pagnanais si Trump kamakailan na muling tumakbo sa pagka-presidente sa kabila ng criminal charges laban sa kanya.

About The Author