dzme1530.ph

Kontrata para sa pagtatayo ng MRT Line 4, pirmado na ng DOTr

Sinelyuhan na ng Department of Transportation (DOTr) ang kontrata sa shadow operator consultant na Ricardo Rail Australia Party Limited para sa pagtatayo ng Metro Rail Transit (MRT) Line 4.

Pinangunahan ni DOTr Sec. Bautista ang 13 kilometer rail project contract signing sa Mandaluyong City kasama sina Australian Embassy Amb. Dr. Moya Collet at ilang opisyal ng Asian Development Bank (ADB).

Ang MRT line 4 ay babagtas mula Ortigas Avenue hanggang Taytay, Rizal at inaasahang magiging fully operational sa taong 2028.

Tiwala naman si Bautista na maisasakatuparan ng proyektong ito ang hiling ni Pang. Bongbong Marcos na mabigyan ng ligtas at kumportableng biyahe ang mga Pilipino.

About The Author