![]()
Muling pinatunayan ng Navotas ang kahalagahan ng long-term investments sa flood control infrastructure, sa gitna ng tuloy-tuloy na mga pag-ulan dulot ng Habagat at mga pagbaha na nakaapekto sa malaking bahagi ng Metro Manila.
Sa ilang araw na walang tigil na ulan, sabay-sabay gumana ang navigational gate ng lungsod, coastal dike, flood gates, concrete box culverts, at network pumping stations upang makontrol ang baha at maiwasang pumasok sa mga komunidad ang tubig-dagat kapag high tide.
Ang performance ng mga naturang pasilidad ay malinaw na paalala na ang well-planned government projects ay naghahatid ng pinakamataas na halaga, hindi lamang tuwing ribbon-cutting ceremonies, kundi kapag pinoprotektahan nito ang mga buhay, tahanan, at kabuhayan sa harap ng mga pagsubok.
Bawat kalsada sa lungsod ay nanatiling passable, bawat tahanan ay ligtas sa baha, at bawat pamilya ay nagpatuloy sa kani-kanilang pang-araw-araw na pamumuhay sa kabila ng malalakas na pag-ulan.
Binigyang-diin ni Navotas City Rep. Toby Tiangco na bagaman pinatunayan ng flood control system ang halaga nito, hindi pa aniya kumpleto ang proyekto at marami pa ang kailangang gawin at ayusin.
