dzme1530.ph

JERSEY NI RENE BATERBONIA, DINONATE NG KANYANG PAMILYA SA MUSEUM NI BOSS TOYO

Loading

Ipinagkatiwala sa kolektor na si Jayson Luzadas na mas kilala bilang Boss Toyo ang Ateneo de Davao basketball jersey ni yumaong Rene Baterbonia para sa safekeeping at i-display sa museum nito sa Quezon City.
 
Sa episode ng “Pinoy Pawn Stars” sa YouTube, binisita ng mga magulang ni Rene si Boss Toyo at partner nitong si Mary Jhoy sa kanilang shop.
 
Sa kanilang pag-uusap, tinanong nina Boss Toyo at Mary Jhoy sa mag-asawang Baterbonia kung totoo ang tsismis na plano ng pamilya na ibenta ang jersey ng pumanaw na basketball player.
 
Itinanggi ito ni Ginang Rovelyn sa pagsasabing wala siyang plano na ibenta ang basketball jersey ng anak.
 
Pinabulaanan din ni Boss Toyo ang tsismis na balak niyang bilhin ang jersey sa halagang 25 million pesos.

About The Author