dzme1530.ph

DAGDAG-SAHOD SA BUONG BANSA, IGINIIT

Loading

IGINIIT ni Senador Christopher Bong Go ang pangangailangan ng patuloy na pagpapataas ng sahod ng mga manggagawa sa buong bansa at hindi lamang sa Metro Manila.
 
Sinabi ni Go na dapat bigyang-pansin din ang kalagayan ng mga manggagawa sa ibang rehiyon.
 
Ipinaliwanag ng senador na patuloy na tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin kaya nananatiling mababa ang purchasing power ng mga Pinoy.
 
Ipinaalala ni Go na matagal nang panawagan ng mga Pilipino ang pagtataas ng minimum wage sa bansa sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
 
Kaya naman isinusulong ni Go ang Senate Bill 175 na naglalayong magbigay ng dagdag na ₱100 sa daily minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.
 
Layunin nitong matulungan ang mga manggagawa na makasabay sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan at magkaroon ng mas disenteng pamumuhay ang kanilang mga pamilya.

About The Author