dzme1530.ph

INFLATION, MAS IKINABABAHALA NG MGA PILIPINO, AYON SA PULSE ASIA SURVEY

Loading

Mas nababahala ang mga Pilipino sa tumataas na presyo ng mga produkto at serbisyo, ayon sa Pulse Asia survey.

Sa Sept. 17 to 24 survey, 71% ng 2,400 respondents ang nagsabing dapat tugunan agad ng Marcos administration ang inflation, na bumilis sa 7.2% noong Setyembre bunsod ng tumaas na presyo ng pagkain at transportasyon.

Lumilitaw din sa survey na 81% ng mga Pinoy ang hindi sang-ayon sa mga hakbang ng administrasyon para makontrol ang inflation.

Kabilang naman sa iba pang nangungunang alalahanin ng mga Pilipino ay ang paglaban sa graft and corruption na nasa 39% at umento sa sweldo ng mga manggagawa na nakakuha ng 36 percent.

About The Author