dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, INATASAN ANG DPWH AT DOTR NA AYUSIN ANG MGA KALSADA UPANG MATIYAK ANG TULOY-TULOY NA SUPPLY SA HARAP NG BANTA NG EL NIÑO

Loading

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na inaayos ng pamahalaan ang mga kalsada at transport systems upang matugunan ang mga problema sa logistics sector ng bansa at maiwasan ang supply disruptions sa harap ng banta ng “Super El Niño.”

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa grand opening ng global logistics company na United Parcel Service (UPS) Clark International Air Hub sa Pampanga.

Inilarawan ito ni Marcos bilang “important milestone” sa pagpapalakas ng logistics network ng Pilipinas.

Binigyang-diin ng Punong Ehekutibo na iniinda ng bansa ang mataas na gastos sa biyahe ng mga produkto, na umaabot sa hanggang 27% kapag ibinangga sa sales, at isa sa pinakamataas sa Southeast Asia.

Para maresolba ang isyu at magkaroon ng mas magandang koneksyon, inatasan ng Pangulo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Transportation na ayusin ang mga kalsada, tulay, at transport systems.

Bilang paghahanda, aniya, sa Super El Niño, mahalaga ang “timely movement” ng pagkain at iba pang mga pangunahing bilihin upang maiwasan ang supply disruptions.

About The Author