![]()
Niresbakan ng TV host na si Boy Abunda ang hosts ng podcast na “Machong Chismisan” matapos ikumpara ang panganay na anak ni Kris Aquino na si Josh sa nakababata nitong kapatid na si “Bimby.”
Sa naturang podcast, tinawag ng isa sa mga host na si Tito P si Josh na “walang kwenta.”
Sa kanyang opening statement ng kanyang show, agad inihayag ng King of Talk ang kanyang galit sa viral clip at kinuwestiyon kung paano nakapagkomento ang podcasters sa binata na mayroong developmental disability at nasa autism spectrum.
Binigyang-diin ng veteran host na mahal na mahal ng kanyang pamilya si Josh, kabilang na ang inang si Kris at yumaong tiyuhin na si former President Noynoy Aquino.
Idinagdag ni Boy na papayuhan niya si Kris na magdemanda kung hihingin nito ang kanyang opinyon tungkol sa isyu.
Sinabi ng TV host na labag sa batas ang ginawa ng mga podcaster, kasabay ng patutsada na nakuha nila ang atensyon ng lahat.
