dzme1530.ph

ILANG KINONTRATANG HITMEN, PINANGALANAN NA NI RAMIL MADRIAGA, AYON SA DILG CHIEF

Loading

Isiniwalat ni Interior Secretary Jonvic Remulla na pinangalanan na ni Ramil Madriaga, ang nagpakilalang “bagman” ni Vice President Sara Duterte, ang ilang kinontratang hitmen.
 
Sinabi ni Remulla na sa tingin niya ay lalabas din ito sa mga susunod na testimonya ni Madriaga.
 
Sa kanyang supplemental affidavit na binasa sa impeachment hearing ng House Justice panel laban sa bise presidente, inakusahan ni Madriaga si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng planong asasinasyon o kung hindi man ay coup laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kapag hindi ito bumaba sa pwesto pagsapit ng 2025.
 
Inihayag ng kalihim na palaging mayroong credible threat laban sa Pangulo at hindi ito mawawala.
 
Binigyang-diin din ni Remulla na ang presidente ang most protected person sa Pilipinas, dahil na rin sa nature ng kanyang trabaho.

About The Author