dzme1530.ph

VP SARA DUTERTE, AMINADONG MASASAKTAN SA IMPEACHMENT TRIAL SUBALIT HINDI SUSUKO

Loading

“MAGIGING duguan pero hindi susuko.”
 
Ito ang maikling pahayag ni Vice President Sara Duterte sa pagdating niya sa Senado ilang oras bago magsimula ang ikalawang araw ng impeachment trial laban sa kanya.
 
Sinabi ni Duterte sa bloodbath na ito kung saan tinutukoy niya ay ang impeachment trial ay masasaktan siya subalit tiniyak na hindi siya yuyuko o susuko.
 
Matapos naman ang pulong ni Duterte sa kanyang defense team ay umalis na sa Senado ang Bise Presidente dahil marami pa itong engagements.
 
Ipinaliwanag naman ni Atty. Michael Poa, legal counsel ni Duterte na pinili nilang gawin sa Senado ang kanilang pulong dahil ugali ng Bise Presidente na mag-adjust sa convenience ng kanyang mga kameeting.
 
Muling tiniyak ni Poa na haharap ang Pangalawang Pangulo sa paglilitis kung kakailanganin.

About The Author