dzme1530.ph

HAZE MULA SA NASUSUNOG NA NAVOTAS LANDFILL, POSIBLENG MAGDULOT NG BANTA SA KALUSUGAN, AYON SA DOH

Loading

Nagbabala ang Department of Health (DOH) na posibleng magdulot ng health risks sa ilang bahagi ng Metro Manila ang nalalanghap na haze mula sa nasusunog na Navotas sanitary landfill.
 
Inilarawan ng DOH ang haze bilang polluted air na may pinong usok at alikabok mula sa apoy at abo, na maaaring magdulot ng iba’t ibang epekto sa kalusugan.
 
Kabilang na rito ang hirap sa paghinga, ubo, pananakit ng dibdib, iritasyon sa mata, at paglala ng respiratory conditions, gaya ng asthma at iba pang mga sakit sa baga.
 
Batay sa monitoring ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), itinuturing na mapanganib sa lahat ng residente ang kalidad ng hangin sa Valenzuela City.
 
Ikini-konsidera ring unsafe para sa mga sensitibong grupo, gaya ng mga bata, matatanda, at may asthma o heart and lung conditions, ang air quality levels sa Caloocan, Malabon, Marikina, Quezon City, at ilang bahagi ng Bulacan.

About The Author