Tuloy-tuloy ang pagbabantay ng Philippine National Police sa buong bansa ngayong nalalapit na ang eleksyon 2025.
Batay sa pinakahuling datos ng PNP, nasa 691 katao ang naareesto dahil sa pagbibitbit ng baril sa umiiral na COMELEC Gun Ban.
Mula sa nasabing bilang ng naaresto, 650 dito ay mga sibilyan, sinundan ito ng dalawamput dalawang security guard, pulis, sundalo, foreign nationals at ibat ibang law enforcement officers.
Habang 692 naman ang nakupiskang ibat ibang uri ng armas, armas tulad ng pistol, revolver, shotgun, rifle, mga pampasabog at iba pa.
Kung saan nahuli ang mga ito sa isinasagawang checkpoints, police operations, gun buybust, anti illegal drug operations at iba pa.
Muli, nagpaalala ang Pambansang Pulisya na tatagal ang gun ban hanggang June 11 2025 bilang paghahanda sa eleksyon 2025. —ulat mula kay Allen Ibañez