![]()
Inanunsyo ng Government Service Insurance System ang paglalaan ng ₱2.75 billion na halaga ng emergency financial assistance.
Para ito sa mahigit 100,000 government workers at pensioners na apektado ng extreme weather, pest infestations, at disease outbreaks.
Inihayag ng GSIS na layunin ng emergency loan facility na mabigyan ng immediate relief ang 109,047 active members at pensioners sa mga declared calamity areas upang makapagtayo muli ng bahay, maibalik ang kabuhayan, at may magamit sa pagpapagamot.
Ang hakbang ay kasunod ng mga krisis sa iba’t ibang lalawigan, kabilang na ang pagdami ng dengue cases, agricultural damage mula sa crop pest outbreak, at tagtuyot na iniuugnay sa El Niño.
Sa ilalim ng programa, ang first-time applicants ay maaaring humiram ng hanggang ₱20,000 habang ang mga miyembro na may existing emergency loans ay maaaring mangutang ng hanggang ₱40,000 upang ma-clear ang outstanding balance at makatanggap ng buong ₱20,000.
