dzme1530.ph

GROSS BORROWINGS NG GOBYERNO, LUMOBO NG MAHIGIT 40% NOONG PEBRERO

Loading

Umakyat ng 41% ang gross borrowings ng national government noong Pebrero dahil sa tumaas na domestic borrowings.
 
Sa datos mula sa Bureau of Treasury, lumo­bo sa 478.77 billion pesos ang total gross borrowings noong ikalawang buwan mula sa 339.55 billion pesos noong February 2025.
 
Sa naturang buwan, 97.8% ng kabuuang inutang ng pamahalaan ay mula sa domestic creditors.
 
Samantala, bumaba naman ang gross external debt ng 94.7% o sa 10.52 billion pesos noong Pebrero mula sa 198.75 billion pesos na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

About The Author