![]()
Binisita ng Philippine officials si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co sa Prague, Czech Republic, matapos itong maaresto, ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla.
Sinabi ng kalihim na dakong alas tres ng hapon, kahapon (oras sa Pilipinas) nang masakote si Co sa Prague, dahil sa pagbiyahe ng walang valid travel documents.
Ito ay dahil kanselado ang Philippine passport ng dating kongresista at nabigo rin itong iprisinta ang kanyang Portuguese passport.
Idinagdag ni Remulla na nasa Prague na at nakikipag-ugnayan ang police attaché ng Pilipinas.
Masinsinan din aniya ang koordinasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa local at international counterparts para sa mabilis na deportation ni Co.
