dzme1530.ph

SIYAM NA OPISYAL NG PNPA, IPINASASAILALIM SA PRE-CHARGE INVESTIGATION DAHIL SA HAZING INCIDENT

Loading

Siyam na opisyal ng Philippine National Police Academy ang inirekomendang sumailalim sa pre-charge investigation proceedings kaugnay sa hazing sa ilang kadete.
 
Ito ang kinumpirma ni Department of Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla sa gitna ng patuloy na imbestigasyon sa insidente.
 
Umabot sa 22 PNPA freshmen ang nagtamo ng pinsala sa katawan makaraang pahiran umano ng mixture ng drain cleaner at muriatic acid sa loob ng kanilang barracks sa Camp General Mariano Castaneda sa Silang, Cavite.
 
Tatlong sophomore cadets ang unang natukoy na sangkot sa insidente habang apat pang dagdag na kadete ang natuklasang may direktang kaugnayan sa hazing.

About The Author