dzme1530.ph

GASOLINE STATION SA TACURONG CITY NA LUMABAG SA MGA GUIDELINES, INAKSYUNAN NG DOE AT DTI

Loading

Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na isinailalim na sa kaukulang aksyon ang natukoy na Gas Station sa Tacurong City matapos makitaan ng paglabag sa mga guidelines ng ahensiya.
 
Ang pahayag ng DOE kasunod ng isinagawang fuel price at supply monitoring sa Tacurong City, katuwang ang DTI Sultan Kudarat at ang Pamahalaang Panlalawigan
 
Sinuri ng DOE Mindanao at DTI Sultan Kudarat ang pagsunod ng ilang mga gasolinahan sa itinakdang price ceiling at sapat na suplay ng petrolyo.
 
Layunin ng inisyatibang ito na matiyak ang patas na presyo, sapat at tuloy-tuloy na suplay, at ang proteksyon ng mga konsyumer sa gitna ng pabago-bagong sitwasyon ng langis sa pandaigdigang merkado.

About The Author