dzme1530.ph

Forensics Expert Atty. Erwin Erfe, itinalagang PAO Deputy Chief Public Attorney

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang forensics expert na si Atty. Erwin Erfe bilang bagong Deputy Chief Public Attorney ng Public Attorney’s Office.

Ibinahagi ni PAO Chief Persida Acosta ang appointment paper ni Erfe na may petsang March 27, 2024.

Kinumpirma na rin ng Malacañang ang pagkakatalaga kay Erfe.

Bago ang appointment, si Erfe ay nagsilbing Director ng Forensic Laboratory Division ng PAO.

Siya rin ang nag-awtopsiya sa mga bangkay ng mga batang sinasabing nasawi dahil sa Dengvaxia.

About The Author