dzme1530.ph

Ex-PCSO GM Garma, pinabulaanan ang alegasyong mastermind ito sa pagpatay kay Atty. Barayuga

Mariing pinabulaanan ni dating PCSO General Manager Royina Garma ang pagiging mastermind sa pagpatay kay Atty. Wesley Barayuga.

Ayon kay Garma, wala siyang dahilan na ipapatay si Atty. Barayuga na nuo’y Corporate Board Secretary ng PCSO, dahil maganda naman ang kanilang relasyon.

Gayunman hindi ito tinanggap ng Quad Comm dahil sa dami ng testimonya na nagsasabi sa pagkakasangkot nito sa iba’t ibang pagpatay.

Una ang pagiging mastermind nito sa pagpatay sa tatlong chinese national sa loob ng Davao Penal Farm, ang mga pagpatay sa 198 persons sa Cebu City habang siya ang Chief of Police ng siyudad, at ang pag-ambush kay Atty. Barayuga.

Tahasang inakusahan ito bilang “ruthless criminal” sa kabila nang pagiging babae.

Itinangi rin ni dating Col. Edilberto Leonardo ang testimonya ni Police Lt. Col. Santi Mendoza ng PNP Drug Enforcement Group sa katwirang hindi niya naman talaga ito lubos na kilala.  —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author