![]()
Susuriin din ng Department of Justice (DOJ) ang kredibilidad at motibo ng dismissed policeman na si Rodulfo Gracioso Jr. sa pag-evaluate ng mga isiniwalat nito.
Sa kanyang affidavit na ini-evaluate na ngayon ng DOJ, sinabi ni Gracioso na nagdeliver siya ng male-maletang pera kina Vice President Sara Duterte, dating Pangulong Rodrigo Duterte, at Davao City Cong. Paolo Duterte, alinsunod sa utos ni dating Speaker Lord Allan Velasco.
Sinabi ni Justice Secretary Frederick Vida na pag-aaralan ng DOJ ang “totality of circumstances.”
Noong nakaraang linggo ay kinumpirma ni Vida na natanggap na nila ang affidavit ni Gracioso at kanila na itong pinag-aaralan.
Sa ngayon aniya ay wala pang request para sa dating pulis na maisailalim sa Witness Protection Program.
