dzme1530.ph

Easterlies makakaapekto sa VisMin; Metro Manila, uulanin din

Makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ang Visayas at Mindanao ngayong araw, April 1.

Ayon sa PAGASA, dulot ng easterlies ang masamang panahong mararanasan sa timog bahagi ng bansa.

Samantala, posible ring maranasan ang bahagya hanggang sa maulap na kalangitan at panaka-nakang pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa bunsod ng easterlies o localized thunderstorms.

About The Author