dzme1530.ph

SP Zubiri, humirit ng dagdag-sahod sa nurses

Ipinanawagan ni Senate President Juan Miguel Zubiri na taasan ang sahod ng mga nurses para manatili ito sa bansa.

Ito ang apela ni Zubiri kasund ng direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos sa Commission on Higher Education (CHED) na resolbahin ang ‘mass exodus’ng mga Filipino nurses para mangibang-bansa.

Ayon kay Zubiri, hindi malabo na umalis ang mga nurses para maghanap ng mas magandang oportunidad sa ibang bansa lalo’t halos P150,000 hanggang P200,000 kada buwan ang iniaalok sa kanilang kita kumpara sa P15,000 hanggang P20,000 na offer sa kanila dito sa Pinas.

Giit ni Zubiri, kung talagang gusto nating hindi umalis sa bansa ang mga nurses, ay itaas natin ang sweldo nila.

Matatandaang base sa datos ng DOH, aabot na sa 350,000 nurses ang kulang sa Pilipinas.

About The Author