dzme1530.ph

11 patay sa stampede sa Pakistan

11 katao patay, kabilang ang mga bata at kababaihan, nang magdulot ng stampede ang pagtutulakan at pagpa-panick ng mga tao habang pumipila para makakuha ng pagkain sa isang Ramadan food distribution center sa Karachi, Pakistan.

Batay sa imbestigasyon, puwersahang inakyat ng mga residente ang isang pader para mauna sa pila, dahilan kung kaya’t gumuho ito at matabunan ang mga nasawing biktima.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang mga otoridad, alinsunod sa utos ni Foreign Minister Bilawal Bhutto Zardari.

About The Author