dzme1530.ph

DPWH CHIEF, IIMBESTIGAHAN ANG MGA PARATANG NA KAGAGAWAN NG SOLAR PLANT ANG PAGBAHA SA OLONGAPO

Loading

Paiimbestigahan ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang alegasyon na isang solar power plant umano ang naging dahilan ng pagbaha sa Olongapo City.
 
Ginawa ni Dizon ang pahayag, kasunod ng paggigiit ng mga residente na bumaha sa kanilang lugar dahil sa mga pinutol na puno para bigyang-daan ang pagtatayo ng power plant.
 
Sinabi ng kalihim na wala siyang alam tungkol sa power plant, kasabay ng pagtiyak na makikipag-ugnayan siya sa Department of Energy at Department of Environment and Natural Resources tungkol sa itinayong planta.
 
Batay sa report, natapos na ang Phase 1 ng proyekto habang ang Phase 2 ay pina-plano pa.
 
Samantala, inihayag ng DPWH chief na tututukan nila ang flood control projects na gumuho kasunod ng malakas na ulan sa Olongapo City.
 
Idinagdag ni Dizon na under warranty ang mga proyekto sa lungsod.

About The Author