dzme1530.ph

P3.71 BILYONG PONDO, NASAYANG SA MGA PROYEKTO NA MAY KINALAMAN SA ILLEGAL RECLAMATION PROJECTS SA TAGUIG CITY

Loading

POSIBLENG nasayang lang ang P3.71 billion na pondo ng bayan sa mga proyekto na may kaugnayan sa umano’y illegal reclamation projects sa Laguna Lake na saklaw ng Taguig City. Ito ang iginiit ni Senador Panfilo Lacson batay na rin sa official records at imbestigasyon ng kanilang tanggapan.
 
Ang naturang halaga ay tumutukoy sa pondo anyang inilaan sa mga flood control at multi-purpose projects sa Laguna Lakeshore reclamation areas.
 
Hindi pa anya kasama sa halaga ang iba pang maanomalyang slope protection at flood mitigation projects sa Taguig River na nagkaroon ng double appropriations, kasama na ang mga hinihinalang ghost projects na ginamitan ng mga recycled na litrato upang makasingil ng ilang beses.
 
Kabilang anya sa top five contractors ng projects sa Taguig ang DAHL Construction na may limang solo projects at apat na joint ventures; JC Uyecio na may apat na joint ventures; Toughbuilt na may tatlong solo projects; Topnotch na may dalawang joint venture kasama ang Core Check at isang kasama ang Beam Team; at GR Fervidal na may limang solo na multipurpose building projects na sinuspinde dahil sa revision ng plano na may kaugnayan sa pagsisiyasat sa lupa.
 
Tulad ng pangako kay Lacson, nagpalabas si DPWH Secretary Vince Dizon ng cease and desist order laban sa mga proyektong konektado sa iligal na reclamation sa Laguna Lake.
 
Alinsunod na rin ito sa direktiba ng Office of the President na idinaan sa Philippine Reclamation Authority makaraang matukoy na iligal ang na-reclaim sa Taguig.

About The Author