![]()
Umabot na sa tatlumpu’t tatlo ang death toll bunsod ng pinagsamang epekto ng mga bagyong Luis, Maymay, at Neneng, at southwest monsoon o habagat, ayon sa Office the Civil Defense.
Sa press conference, sinabi ni OCD Disaster Preparedness Service Director Gregorio Tomas na labinsiyam na iba pa ang nasugatan habang tatlo pa ang nawawala, hanggang kaninang tanghali.
Kabuuang 8.8 milyong indibidwal naman o 2.5 milyong pamilya ang naapektuhan ng masamang panahon sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, CALABARZON, Cordillera Administrative Region, Metro Manila, at MIMAROPA.
