dzme1530.ph

DOH, 307 bagong kaso ng COVID-19 naitala

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 307 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kaya lumobo na sa 4,069,147 ang nationwide caseload.

Ito ang ika-limang sunod na araw na mas mababa sa 500 ang naitalang mga bagong kaso ng COVID-19.

Sa datos mula sa DOH, umakyat sa 12,006 ang active infections kahapon mula sa 11,975 noong miyerkules.

Umabot na sa 3,991,615 ang total recoveries habang 17 pasyente ang nasawi dahilan para pumalo na sa 65,526 ang death toll.

About The Author