dzme1530.ph

Sec. Eduardo Año, itinalaga ni PBBM, bilang bagong National Security Adviser

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si former Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año bilang bagong National Security Adviser.

Pinalitan ni Año si Former National Security Adviser Prof. Clarita Carlos, na lilipat na sa Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) ng House of Representatives.

Ibinahagi ng Presidential Communications Office ang mga litrato ng oath taking ni Año sa Malacañang, sa harap ni Pangulong Marcos Jr.

Samantala, sinabi naman ni Carlos na hindi na maituturing na “politic” kung magpapatuloy pa siya bilang National Security Adviser ng Pangulo, kaya’t nagpasiya siyang lumipat sa ibang ahensya kung san magagamit niya ang kanyang expertise sa Foreign, Defense, at Security.

Ang CPBRD ay may tungkuling magbigay ng Technical Service sa kamara sa pagbuo ng National Economic, Fiscal, at Social Policies

Tiniyak naman ni Carlos na patuloy siyang tutulong para sa pagpapatatag ng Pilipinas.

About The Author