dzme1530.ph

5 patay, 13 sugatan matapos araruhin ng kotse ang pedestrian lane

Lima ang patay habang labing-tatlo ang nasugatan nang sagasaan ng isang kotse ang mga pedestrian sa isang intersection sa Guangzhou, China.

Sa isang viral video sa social media, makikita na inararo ng kulay itim na SUV ang mga tatawid sa dalawang magkahiwalay na pedestrian lane sa four-way intersection.

Sa isa pang kumalat na video sa online, nagtapon ng maraming pera ang driver ng sasakyan pagkatapos nitong huminto sa gilid ng kalsada.

Naaresto naman ng mga otoridad ang 22 anyos na driver at sumasailalim sa imbestigasyon ng pulisya.

About The Author