![]()
Maglulunsad ang Department of Education (DepEd) ng active shooter drills sa mga paaralan sa Biyernes.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, bahagi ito ng kanilang pinaigting na safety protocols kasunod ng mga karahasan sa mga paaralan kamakailan.
Sinabi ni Angara na sinimulan nang i-adjust ng DepEd ang kanilang safety measures matapos ang aniya’y kauna-unahang pamamaril sa paaralan na kinasangkutan ng estudyante.
Aniya, ilulunsad nila ang active shooter drills para magsilbing gabay ng mga eskuwelahan kung ano ang mga dapat gawin sakaling magkaroon ng armadong pag-atake.
Idinagdag ng kalihim na humingi ang kagawaran ng tulong sa PNP para tugunan ang tumataas na bilang ng bomb threats na natatanggap ng mga paaralan.