dzme1530.ph

MGA EROPLANO NG SAUDIA AT PAL, NAGKABANGGAN SA NAIA

Loading

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang ground collision na kinasangkutan ng mga eroplanong ino-operate ng Saudia at Philippine Airlines, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
 
Ayon sa operator ng New NAIA Infra Corp. (NNIC), batay sa initial report, tinamaan ng wingtip ng nagta-taxiing Saudia Boeing 787 ang tail section ng nakaparadang PAL Airbus A320 pasado alas onse y medya kaninang tanghali.
 
Dahil dito, kinansela ang Saudia flight at tinow ang eroplano sa designated bay para inspeksyunin.
 
Wala namang naiulat na nasugatan sa naturang insidente at wala ring napinsalang infrastructure o ground equipment.
 
Gayunman, sinabi ng NNIC na nagtamo ng pinsala ang dalawang eroplano na kapwa sumasailalim sa technical assessment.

About The Author