dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, PINANGUNAHAN ANG PAGLULUNSAD NG NATIONWIDE FEEDING PROGRAM

Loading

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng Nationwide School-Based Feeding Program and Milk Activity sa Pulilan, Bulacan.
 
Layunin ng programa na ipatupad ang universal feeding program para sa mga mag-aaral sa mababang baitang.
 
Sinabi ni Marcos na dapat pakainin ang lahat at huwag piliin kung sino lamang ang kasama sa feeding program.
 
Samantala, inihayag ng Pangulo na karamihan sa mga batang Pilipino ay stunted o bansot, at sakitin dahil sa kakulangan ng nutrisyon.
 
Ito, aniya, ang dahilan kaya inuuna ng gobyerno ang pag-aalaga sa mga bata at mabigyan ng masustansyang pagkain upang maging ligtas sila sa mga sakit at makapag-aral nang mabuti.

About The Author