dzme1530.ph

POPE LEO XIV, UNTI-UNTI NANG BUMABALIK SA KANYANG MGA TUNGKULIN MATAPOS SUMAILALIM SA CANCER SURGERY

Loading

Nangako si Pope Leo XIV na unti-unti siyang babalik sa kanyang karaniwang aktibidad bilang lider ng 1.4 bilyong Katoliko sa buong mundo.
 
Ginawa ng Santo Papa ang pangako nang batiin niya ang mga deboto sa St. Peter’s Square, sa kanyang first public event simula nang operahan sa lung cancer, limang araw pa lamang ang nakalilipas.
 
Sumailalim ang 71-year-old pontiff noong Martes sa operasyon, para alisin ang cancerous na bahagi sa kanyang kanang baga.
 
Nakangiting dumungaw si Pope Leo mula sa bintana ng Apostolic Palace ng Vatican, at malinaw na nagsalita sa mga pilgrim.
 
Sinabi ng Santo Papa na matapos malagpasan ang “delicate phase” ay dahan-dahan niyang ipagpapatuloy ang kanyang mga aktibidad, sa tulong ng Panginoon at mga panalangin.

About The Author