![]()
Na-secure ni Filipino gymnastics star Carlos Yulo ang spots sa floor exercise at vault finals ng World Gymnastics Championships sa Rotterdam, Netherlands, para sa panibagong kampanya nito sa world title.
Umiskor si Yulo ng 14.500 sa floor exercise para mag-second place sa qualifiers at maselyuhan ang kanyang puwesto sa final.
Sa vault naman ay nakapagtala ang Pinoy gymnast ng 14.266 para magtapos sa ika-anim na puwesto at na-secure din ang panibagong spot sa medal round.
Itinakda ang floor exercise final sa Sabado habang ang vault final ay sa Linggo.
Bukod kay Carlos, sumabak din sa qualifying rounds ang kanyang nakababatang kapatid na si Karl Eldrew, at teammate na si Juancho Miguel Besana.
