dzme1530.ph

ALAMIN ANG MGA POSIBLENG SANHI NG KAKULANGAN SA ENERHIYA NG KATAWAN

Loading

Ang madalas na panghihina ng katawan at pakiramdam na kulang sa enerhiya ay maaaring dulot ng kakulangan sa tulog, hindi wastong pagkain, dehydration, stress, o sobrang pagk pagod.
 
Ngunit ayon sa mga health expert, ang patuloy na pakiramdam ng pagkahapo ay hindi dapat ipagwalang-bahala dahil maaari rin itong palatandaan ng ilang kondisyong medikal.
 
Kabilang sa mga posibleng sanhi ang anemia o kakulangan sa iron, problema sa thyroid, diabetes, sleep apnea, at ilang uri ng impeksiyon.
 
Maaari ring magdulot ng low energy ang ilang gamot at mga problema sa kalusugang pangkaisipan.
 
Upang matulungang maibalik ang enerhiya ng katawan, mahalagang matulog nang sapat, kumain ng balanse at masustansiyang pagkain, uminom ng sapat na tubig, at regular na mag-ehersisyo ayon sa kakayahan.
 
Makabubuti ring iwasan ang sobrang pag-inom ng caffeine, lalo na sa hapon at gabi, dahil maaari itong makagulo sa normal na pattern ng pagtulog.
 
Kung madalas o matagal nang nararanasan ang matinding pagkahapo kahit sapat ang pahinga, ipinapayo ang pagkonsulta sa doktor upang matukoy ang dahilan at ang nararapat na gamutan.
 
Tandaan, ang low energy ay hindi laging dahil sa kakulangan sa tulog lamang.
 
Mahalagang alamin ang pinagmumulan nito upang mapanatili ang kalusugan at normal na lakas ng katawan.

About The Author