![]()
Gaganap si Dave Bautista bilang “Kratos” sa upcoming “God of War” series sa Amazon Prime Video.
Ayon sa Variety, papalitan ni Dave si Ryan Hurst, na naunang kinuha bilang bida subalit umatras matapos magtamo ng torn bicep na kailangang operahan.
Inaasahang magpapatuloy ang production sa mga susunod na linggo, kung saan kailangang ulitin ni Dave ang mga eksena ni Ryan.
Ang naturang series ay adaptation ng mythology-themed video game franchise ng PlayStation na nagsimula noong 2005.
