dzme1530.ph

PNP, MAGPAPAKALAT NG PERSONNEL AT RESOURCES PARA SA NATIONWIDE SCHOOL SAFETY DRILLS SA SUSUNOD NA LINGGO

Loading

Magpapakalat ang PNP ng sapat na bilang ng personnel at resources para sa nationwide school safety drills na itinakda ng Department of Education (DepEd) sa Aug. 25.
 
Sinabi ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na inatasan ang local police units na mahigpit na makipag-coordinate sa school authorities at barangay officials, bago at habang isinasagawa ang drills.
 
Saklaw ng koordinasyon ang police response, communications, at iba pang procedures na maaaring kailangan sa actual emergency.
 
Una nang sinubukan ang school safety drills sa ilang paaralan matapos bumuo ang PNP at DepEd, sa pakikipagtulungan ng iba pang stakeholders, ng protocols para sa kaligtasan ng mga guro at mga mag-aaral.
 
Ipinaliwanag ni Nartatez na makatutulong ang drills sa mga estudyante, teachers, at ibang school personnel na maunawaan kung ano ang gagawin kapag nagkaroon ng banta sa seguridad.
 
Pangungunahan ng DepEd ang nationwide school safety drills sa Martes kasunod ng mga insidente ng karahasan sa mga paaralan.

About The Author