dzme1530.ph

Dating World Champion John Riel Casimero, magbabalik-lona sa Mayo

Magbabalik aksyon si dating World Champion John Riel Casimero sa Mayo para Sagupain si Fillipus Nghitumbwa ng Namibia, sa Okada Manila.

Ito ang inanunsyo ng bagong promoter ni Casimero na treasure boxing promotions.

Gaganapin ang match sa May 13 na unang laban ni Casimero sa bansa simula noong 2019 nang pabagsakin niya si Cesar Ramirez lora sa San Andres Civic & Sports Center sa Manila

Ito rin ang unang laban ng 34- anyos na Pinoy boxer ngayong 2023 kung saan nakataya ang WBO Global Super Bantamweight Title ng katunggali nitong Namibian.

Si Casimero na may record na 32 wins 4 losses with 22 KO, ay nahawakan na ang titles sa Junior flyweight, flyweight, at bantamweight.

About The Author