dzme1530.ph

Energy sec sa NGCP: ‘’No need to be alarmist’’

Hinimok ni Energy Secretary Raphael Lotilla ang National Grid Corporation of the Philippines na agad maghain ng Motion for Reconsideration makaraang ibasura ng Energy Regulatory Commission ang kanilang hiling na monthly extensions sa ancillary services agreements.

Sinabi ni Lotilla na ang kailangan lamang ng NGCP ay umapela at hindi kailangan na maging alarmist.

Noong Lunes ay nagbabala ang NGCP ng posibleng brownouts ngayong tag-init makaraang hindi katigan ng ERC ang kanilang request.

Sa panig naman ng ERC, inihayag nito na hihintayin nila ang NGCP na maghain ng apela sa kanilang desisyon.

About The Author