dzme1530.ph

DAHIL SA SECURITY THREAT, SENADO WORK FROM HOME MUNA

Loading

Simula bukas, June 10 hanggang June 11 magpapatupad ang Senado ng work-from-home arrangement.
 
Batay sa advisory ni Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian, ito ay upang matiyak ang proteksyon sa mga empleyado dahil sa banta sa seguridad.
 
Inatasan din ang lahat ng Senate Secretariat at Senate employees na mag-work from home upang bigyang daan ang pagsasagawa ng security assessment, inspections at iba pang precautionary measures sa loob at labas ng Senado sa gitna ng banta.
 
Prayoridad aniya ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng empleyado ng Senado.
 
Inatasan naman ang bawat head ng mga tanggapan na tiyakin ang pagpapatuloy ng operasyon sa pamamagitan ng work from home.

About The Author